Hello world!

Welcome to WordPress. This is your first post. Edit or delete it, then start blogging!

2011

Natapos na rin ang masasayang sandali ng 2010. Ngunit hindi pa rin natatapos ang tungkulin natin bilang tao hanggang 2012. Joke lang. So obviously usong uso nanaman ang New Years Resolution. Syempre hindi ako magpapahuli dahil may sarili din ako:

5. Eat more, drink less
-dahil sa sobrang payat ng aking pangangatawan, kailangan kong magpalaki ng katawan at titigilan ko na ang pag inom ng alak para hindi na lumaki ang tyan ko.

4. Magiipon na ako ng pera
-so… ngayon ko lang naisipan magtipid at iiwasan ko na ang pangungutang.

3. Magiging behave na ako
-Babawasan ko ang aking kakulitan at hindi na ako magfflirt ng kung sinu-sino.

2. Hindi na ako magbababad sa facebook
-Napapansin ko kasi nawawaste yung time ko sa facebook lang at hindi napapagtuunan ng pansin ang ibang bagay at ibang tao at pati ang aking blog. So less na muna ang time para kay computer.

1. Punctuality
-Almost 5 years ko nang New Years resolution ito at hindi pa rin maaccomplish. Sana buong taon makamit ko ang pagiging punctual sa lahat ng meetings at pagpasok.

Anong Sense ng Finals?

Sa darating na pagtatapos ng semester na ito, lahat ng mga college students ay sobrang abala sa pagtapos ng mga project nila at pagrereview sa darating na finals. Pero anong ginagawa ko ngayon? Syempre nagpepetiks petiks lang. Wala rin naman kasi akong matatapos kung gagawin ko rin yun saka na pag last minute ko nalang din gagawin kasi parehas din yun, kung tutuusin lugi ka pa kung ginawa mo yung project mo on time kasi ang haba mong nagaaksaya ng oras kesa dun sa maikling oras ng pag gagawa, yun nga lang medyo hindi ayos yung project. Pero aanhin mo naman ang project mo, kung hindi mo naman maiuuwi o magagamit sa bahay?

One time, sinermunan kami ng isa naming professor kasi gumagawa daw kami ng ibang subject sa time niya. Nainsulto siya at nagtatampo kasi daw mas pinaprioritize pa daw namin yung ibang subject kesa sa kanya, kaya nagpaproject din siya ng pagkahirap hirap.

Naiisip kaya nila yung mga panahon na naging estudyante sila? Siguro hindi, kasi wala naman silang pakielam kahit na nagmumulti-tasking + hyperthreading na yung estudyante.

Lahat ng nasa iyo ay mauubos pagdating ng Finals. Ubos ang time, energy, pera, utak pati ang pag-asa. Sana hindi nalang nabuo ang finals kung ang goal lang nito ay pahirapan ang estudyante. Kaya pala sa panahon ngayon, habang tumatagal, lalong umiikli ang life span ng isang tao dahil sa dami ng stress na naeencounter natin.

The Greatest Speech I ever heard

This speech was delivered by a La Sallian engineer in one of the graduation ceremonies at the UP College of Engineering. Nakakadagdag ito ng lakas ng loob para mga estudyante na tulad namin.

This speech was delivered by a La Sallian engineer in one of the graduation ceremonies at the UP College of Engineering.
Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag-aral sa De La Salle University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID number ka na nagsisimula sa “94” at pataas, kung lumipas ang isang buong school year at umabot ka sa 15 units na bagsak, masisipa ka sa paaralan.
Ang transcript na hawak ko ay mayroong 27 units ng bagsak. 12 sa mga ito ay tinamo ng estudyante sa iisang schoolyear lang. Ang isang subject ay kadalasang may bigat na 3 units. Kung iisiping mabuti, isang subject na bagsak na lang ay pwede na masipa ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito.
Ang speech na ito ay hindi ko ginawa para i-acknowledge ang paghihirap ng ating mga magulang sa pagpapaaral satin. Hindi ko din ito ginawa para maghayag ng political statement, o kumbinsihin kayo na huwag umalis sa bansa at tulungan itong makaahon. Ang speech na ito ay para sa mga normal na estudyante na kagaya ng may may-ari ng transcript na hawak ko, dahil madalas, wala talagang pakialam ang unibersidad sa mga achievements nila. May mga awards na gaya ng “Summa Cum Laude”, “Best Thesis Award” at “Leadership Award.” Pero ni minsan, hindi pa ako nakakakita ng unibersidad na nagbigay ng “Hang-on and managed to graduate despite nearly getting kicked-out during his academic stay” award.
Maaaring isang malaking kagaguhan ang konseptong ito para sa karamihan. Bakit mo pararangalan ang isang estudyanteng bulakbol, bobo, tamad o iresponsable? Hindi ba dapat isuka ito ng unibersidad? Ito yung mga tipo ng estudyanteng walang ia-asenso sa buhay, hindi ba?
Ayun. Natumbok niyo.Iyun na nga ang dahilan.
Madalas, pag ang isang estudyante ay may pangit na marka sa paaralan, lalong lalo na sa kolehiyo, nakakapanghina ito ng loob. Nandiyan yung tatamarin ka mag-aral, nandyan yung iisipin mo “Ano pa kayang trabaho ang makukuha ko? Call center na naman o clerical? Ba’t kasi ang bobo ko. Kung matalino lang ako, sana, sa Proctor and Gamble ako, o kung saang sikat na kumpanya.”
Mas mahirap ang dinadaanan ng mga estudyanteng bumabagsak. Kahit na sabihin mong kasalanan nilang bumabagsak sila, hindi ninyo alam kung ano ang pakiramdam ng ganun. Madaling sabihin na “Kaya mo yan, mag-aral ka lang,” pero alam ba natin talaga ang sinasabi natin?
Kapag ang isang estudyante ay bumabagsak sa unibersidad, nandiyan yung tatawanan niya lang yan. O di kaya naman, ipagmamalaki niya pang “TAKE 5 NA KO!!!” o “Pare, magpi-PhD na ako sa Anmath3/Calculus/etc.” Pero hindi alam ng mga isang Summa Cum Laude kung ano ang nasa isip ng isang normal na estudyante sa tuwing matutulog ito at alam niyang pag-gising niya, kailangan niya na namang ulitin ang isang subject na nakuha niya na sa susunod na term.
Kahit kalian, hindi naging problema sa “Star Student” na sabihing “Nay, bagsak ako.” at hindi kailanman sumagi sa isip nila na “Paano kaya kung sa walang-pangalang kumpanya lang ako makapagtrabaho?” Dahil sigurado sila sa kinabukasan nila.
Huwag na tayong maglokohan. Grades are everything. Kahit bali-baligtarin mo iyan, hindi magiging patas ang mga kumpanyang kumukuha ng fresh graduates para magtrabaho sa kanila. Minsan din naman, nadadaan sa palakasan, pero ganun pa din. Kung hindi ka academically good, wala kang patutunguhan. Kung hindi man yun, mas mahirap yung dadaanan mo para lang makaabot sa prestihiyosong posisyon.
Kaya ngayong graduation, ang speech na ito ay inaaalay ko para sa mga estudyanteng lumagpak, muntik-muntikan nang masipa o yung sa lahat ng paraang pwede, ginawa na para lang makatapos. Gagawin kong patas ang mundo para sa inyo kahit isang araw lang. Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, kesyo kasalanan mo man na pangit ang marka mo o muntik ka nang makick-out, saludo ako sa hindi mo pagtigil sa pag-aaral. Saludo ako na may lakas ka ng loob na harapin pa rin ang mundo kahit alam mong hindi ito magiging patas sa iyo. Saludo ako na kahit pangit ang transcript mo, taas noo ka pa rin ngayong graduation at proud na proud sa sarili mo.
Ano ngayon ang mangyayari sa mga graduates pagkatapos nitong graduation? Ayoko nang puntahan yung pwedeng mangyayari sa mga Cum Laude. Baduy. Alam mo namang may patutunguhan ang buhay nila e. Pero dun sa mga lumagpak, ano ang meron?
Maaring makakuha kayo ng mediocre na trabaho lang. Pwede ka rin swertehin, baka makapagtrabaho ka sa magandang kumpanya. Madami pang pwedeng mangyari. Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Kung nung college, nagtiyaga kayo e ba’t titigilan niyo yung pagti-tiyaga ngayon?
Pwede ring ganito: Mag-aral ka ulit. Ipakita mo sa kanila na kung sisipagin ka lang, malayo ang mararating mo. Subukan mong patunayan sa kanila na kapag pinilit mo, kaya mo ring abutin yung naabot nila. Na hindi ka bobo, kundi tinamad ka lang.
Baka sabihin ninyo, drowing lang ako.
I’ve been on both sides. Naranasan ko na ring lumagpak, at muntikan na din akong masipa. Naranasan ko na ang umulit ng 4 na beses sa iisang subject. Naranasan ko na ang masumbatan ng magulang, kapatid at kung sino-sino pang propesor na walang pakialam sa pakiramdam ng estuyante. Naranasan ko nang hindi makatulog ng maraming gabi sa pagiisip kung paano ko na naman sasabihin sa magulang ko na may bagsak na naman ako. Kaya alam ko ang pakiramdam ninyo.
Akin ang transcript na ito.
Pagkagraduate ko ng college, ano ang ginawa ko? Eto. Nagtrabaho muna ng konti, tapos aral ulit. Kuha ng Masteral sa kurso ko. Hindi para sa trabaho o kung ano man. Kundi para patunayan sa sarili ko na noong mga panahong bumabagsak ako, tinatamad lang ako.
This is a rebellion. I raise my middle finger to every professor, over-achiever, naysayer and detractor THAT TOLD ME THAT I CAN’T MAKE IT. I raise my middle finger to every valedictory or graduation speech that only gratifies the university, those who were achievers in school or those who gratify the country when it’s supposed to be the graduate’s moment of glory. You are supposed to acknowledge EVERYONE. Even those who failed many times.
Kaya sa inyong mga graduates na medyo hindi maganda ang marka, para sa inyo ito. Kung kinaya ko ito, kaya niyo rin to. Imposibleng hindi.

Out of Order

Kanina sa loob ng school, pumunta kami sa may nag pho-photocopy para magkakopya ng activity namin. Nakita ko yung vending machine sa tabi nun. At nagdecide akong bumili. Nakita namin na may “Out of Order” na nakasulat sa papel at nakadikit sa LED display ng machine. Pinipigilan nila ako na bumili. Sabi ko sa kanila, baka kung sinu-sino lang ang naglagay at pinagtripang idikit yun. So,  naghulog ako ng 12 pesos, edi umilaw yung mga available drinks sa machine. Eh inaantok ako nun, kaya pinili ko yung cafe frappe, so tinanggap naman yung bayad ko. Tapos nung tinignan ko, baso lang at mainit na tubig yung lumabas. Nasayang tuloy yung pera ko. Pinambili ko nalang sana ng iced tea sa canteen. Kaya simula noon, hindi na ako bibili sa vending machine.

May Pag-asa pa ba AKO?

Nakatingin nanaman ako sa kawalan. Yan ang laging ginagawa ko sa tuwing may quiz, prelim at midterm sa math sa buong college life ko. Pero this semester na siguro ang pinaka malalang situation na nangyari sa College life ko pag Math ang pinag uusapan lalo na’t nasa Integral Calculus na.

Everybody hates math at halos lahat samin ay bumabagsak pag nageexam na. Pero may ilan ilan pa rin ang dedicated sa subject na yun. Biglang narealize ko na may tatlo palang klaseng tao sa isang math class. Yung una ay yung magaling sa math at magaling din sa yabangan at mahina sa pagtulong. Yung pangalawa naman ay yung sobrang humble at nagpapanggap na bobo kasi ayaw nilang mamahagi ng kaalaman nila at yung huli ay yung mga katulad ko na kahit ilang pilit namin sa pag aaral ay wala pa ring magandang kahihinatnan.

Ang oras ng math ay oras ng pagpapanggap. Ang hirap naman kasing unawain yung mga numbers, sin, cos, tan na hindi mo naman malaman kung saan nanggaling. Minsan nakakasunod naman ako kahit papaano, pero pag nalingon lang ako saglit, biglang nawawala na ako sa lesson. Kaya ang ginagawa ko, sinusulat ko nalang sa notebook ko actually naka dalawang filler notes na nga ako sa sobrang hahaba ng mga formula. Pagdating naman ng exam, hindi na ako nag aaral, wala rin naman kasi akong maintindihan sa mga pinagsusulat ko nung naglelecture kami. Habang nageexam pa nga minsan iniisip ko na sana hindi pumasok ng isang buwan yung prof ko o kaya sana masunog yung records namin at marami pang mas worst doon. Yun nalang ang iniisip ko instead na ianalyze ko pa yung mga numbers na wala rin namang patutunguhan. Bakit? pag ba bibili ka sa tindahan sasabihin mo pa yung formula? Pabili nga po ng x + y(x+z). Diba? parang non sense yung math? Sorry mga math lovers pero yun ang pananaw ko sa buhay ko.

Kasi sa pagpoprogram, hindi ko naman ginagamit yang mga ganyan. Kasi sa programming. We are to create our own formula to solve our problem, not to memorize those formula. Pero kahit naman gaano man kahaba ang aking pinagsusulat at pinagsasabi…May Pag-asa pa ba ako?